Sa UK, isang makasaysayang alon ng welga ang nangyayari sa loob ng siyam na buwan. Matapos dumanas ng walang patid na ilang dekadang paghihigpit-sinturon, hindi na tinanggap ng proletaryado sa Britain ang mga sakripisyo. "Tama na". Sa France, ang pagtaas sa edad ng pagretiro ang nagsindi sa pulbura. Ang mga demonstrasyon ay nagdala ng milyun-milyong tao sa mga lansangan. "Walang dagdag na isang taon, walang bawas na isang euro". Sa Spain, nagsagawa ng malalaking rali laban sa pagbagsak ng sistema ng pangangalagang pangkalusugan, at sumiklab ang mga welga sa maraming sektor (paglilinis,...
Sa Britanya mula noong Hunyo ang sigaw ay umalingawngaw sa bawat welga: "Tama na!" Ang napakalaking kilusang ito, na tinawag na "Galit sa Tag-init", ay naging Galit sa Taglagas, at pagkatapos ay Galit sa Taglamig. Ang alon ng mga welga sa UK ay simbolo ng umuunlad na pakikibaka ng mga manggagawa sa buong mundo:
Sa maraming okasyon, giniit ng organisasyon ang kahalagahan ng usapin ng militarismo at digmaan sa panahon ng pagbulusok, pareho sa punto-de-bista ng buhay ng kapitalismo mismo, at ng proletaryado. Dahil sa mabilis na sunod-sunod na mga pangyayari na may istorikal na kahalagahan sa nakaraang taon (pagbagsak ng bloke ng Silangan, digmaan sa Gulpo) na bumago sa sitwasyon ng mundo, dahil sa pagpasok ng kapitalismo sa kanyang pinal na yugto ng dekomposisyon, napakaimportante na absolutong malinaw sa mga rebolusyonaryo ang esensyal na usapin: ang papel ng militarismo sa loob ng bagong kondisyon...
Lahat ng mga reporter at komentarista ay tinagurian ang kasalukuyang mga welga bilang pinaka-malaking pagkilos ng uring manggagawa sa Britanya sa loob ng ilang dekada; tanging ang napakalaking mga welga sa 1979 ang mas malaki at mas malawak na kilusan. Ang pagkilos na ganito kalawak sa isang bansa na kasing laki ng Britanya ay hindi lang mahalaga sa antas lokal, ito rin ay may internasyunal na kahalagahan, isang mensahe sa mga pinagsamantalahan sa bawat bansa. May naka-attached na PDF format. Hinihimok namin ang mga mambabasa na magprinta ng mga kopya at ipamahagi ito kahit saan na posible. 
Kasalukuyan nating naranasan ang pinakamatinding kampanya ng propaganda para sa digmaan mula noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig – hindi lang sa Rusya at Ukraine, kundi sa buong mundo. Kaya esensyal para sa mga naghahanap ng tugon sa mga tambol ng digmaan na sunggaban ang mensahe ng proletaryong internasyunalismo sa pamamagitan ng anumang oportunidad na magsama-sama para sa diskusyon at klaripikasyon, para sa mutwal na pagkakaisa at suporta, at para ilatag ang seryosong rebolusyonaryong pagkilos laban sa pagsulong ng burgesya ng digmaan. Kaya ang IKT ay nagdaos ng serye ng online at pisikal...
Ang burges na lipunan, na bulok sa kaibuturan, may matinding sakit, ay muling sumuka ng maruming delubyo ng bakal at apoy. Araw-araw ang patayan sa Ukraine ay nakitaan ng matinding pambobomba, ambus, pagkubkob, habang ang milyun-milyong lumilikas na bakwit ay patuloy na nakaranas ng pambobomba mula sa naglalabanang mga hukbo.
Ang mga organisasyon ng kaliwang komunista ay kailangang maglunsad ng nagkakaisang pagtatanggol sa kanilang komon na minana na pagsunod sa mga prinsipyo ng proletaryong internasyunalismo, laluna sa panahon ng malaking peligro para sa uring manggagawa ng mundo. Ang panahong ito ay ang panunumbalik ng imperyalistang patayan sa Uropa dahil sa digmaan sa. Kaya inilathala namin sa ibaba, kasama ang iba pang lumagda mula sa tradisyon ng kaliwang komunista (at isang grupo na iba ang linya pero lubusang sumusuporta sa pahayag), ang isang nagkakaisang pahayag sa pundamental na perspektiba para sa...